Saturday, August 7, 2010

Usapang Bata # 21

Si Frey, as usual nasa bahay na naman namin. Sa bahay siya nag-siesta. Paggising niya, pinapa-wiwi na siya ni mama pero ayaw niya kse hindi pa daw siya nawiwiwi. Makalipas ang ilang minuto, nagsabi siya na nawiwiwi na siya. Dali-dali siyang nagpadala sa'kin sa CR. Pero bago dumating sa CR, as in nasa pinto na ng CR, bigla na lang siyang nawiwi. Syempre, nabasa ang panty at shorts niya, pati na ang slipper ni Mama.

Pagdating sa kwarto, wala na siyang panty pero hindi napapansin ni Mama.

Ako: Pepey, di ba may kasalanan ka?

Frey: Wala taya!

Ako: Meron eh. Sabihin mo na.

Frey: Awala aman ako atalanan eh.

MAma: Ano ba yung kasalanan mo daw?

Ako: Tingnan mo Ma, wala siyang panty.

Mama: Bakit? Nasan ba panty mo?

Frey: Alika, atuturo ko sa'yo

(At hinatak ni Pepey si mama sa CR)

Mama: Asan na?

Frey: Ayun oh! indi mo akikita? Aiihi ko din lelas mo oh.

(Sabay daan sa tawa)

No comments: