Ano ang mas masakit sa dalawa:
a. Umattend ng family affair ng boyfriend mo na pumanaw na at makita bawat mukha ng pamilya niya ang alaala ng boyfriend mo?
b. Umattend ng family affair nila at makita mo ang lalaking mahal na mahal mo na inaasikasong parang prinsesa ang babaeng pinalit niya sa'yo?
Para sa akin, masakit all of the above. Pero cguro mas madaling mag move on dun sa letter B. Kasi kung nde ka na niya mahal at nakita mong may ipinalit na sa'yo, eh luka2 ka na lang kung mag-stick ka pa. I'm sure may makikita ka pang lalake na talagang para sa'yo at deserving sa pagmamahal mo. Pero sa letter A, mahirap lalo na kung mahal na mahal mo yung lalake at namaalam siya sa mundo na to na ikaw ang laman ng puso niya.
May nagsabi sa akin noon, mga 5 years ago, matandang babae, na kapag daw ang isang tao namatay at ikaw ang laman ng puso, hanggang sa langit daw yun dala-dala niya ang pagmamahal niya sa'yo hanggang sa magkita kayong muli. Eternal love kumbaga.
Nung Linggo, December 27, binyag ang 1st birthday ng pamangkin ng eternal love ko. Ninang ako at kabilin-bilinan ng pamilya niya on both side na wag na wag akong mawawala. Medyo kinakabahan ako bago ako magpunta dun kasi halos isang taon din akong nde nakapunta sa affairs ng family niya sa side ng papa niya. Ngayon ko na lang sila makikita ulit. Kadalasan pag nagpupunta ako sa kanila, maagang-maaga para yung papa lang niya or tita lang niya ang makita ko. Mababait naman ang buong pamilya niya pero kse ang awkward pa din ng feeling eh kse hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko na ako ang dahilan kung bakit wala na siya ngayon.
The night before the event, super pray ako na maging maayos at smooth ang takbo ng araw ko the next day. Syempre naisip ko ang eternal love ko. The what-might-have-beens. Naisip ko na cguro kung buhay lang siya, susunduin niya ako sa bahay at kasabay ko siyang pupunta sa simbahan. And as if nakita niya akong nagmumuni-muni nang gabing yon, dinalaw ako ng eternal love ko sa panaginip. Magkatabi daw kami sa upuan. Mahigpit lang daw kaming magkayakap. Ganon lang. Pero sapat na yun para maging okay ako pagkagising ko. Pakiramdam ko ipinarating niya sa akin sa panaginip ko na yun na kahit hindi ko siya nakikita physically, nasa tabi ko siya at kasama ko siyang aattend sa family affair nila.
Pagdating ko sa simbahan, nakita ko sila. Parang tuwang-tuwa sila ng makita ako lalo na ang papa niya. Siguro nde nila ineexpect na pupunta ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ng mga oras na yun, napunan ko yung missing piece sa pamilya nila. Parang tlgang ako ang naging kapalit ng presensiya ni eternal love.
Sa reception, hindi ko maiwasan ang malungkot at maalala ang eternal love ko. nakita ko kasi ang mga pamangkin niya na malalaki na ngayon. Nang iniwan niya sila, maliit pa si agape. Ngayon halos magdadalaga na siya. At si manuel, ang pamangkin niya na sinasabing kawangis na kawangis niya, habang pinagmamasdan ko siya nung nakikigulo siya sa parlor games, para kong nakikita si eternal love. Bawat kilos niya, ipinapaalala niya siya sa akin. Parang gusto ko nga siyang lapitan nun at yakapin kaso bka maiskandalo ang bata kaya dedma na lang.
Tapos nilapitan ako ng kuya niya na pastor. Alam ko matagal na niya akong gustong kausapin para daw matuldukan na namin ang sakit na dulot ng pagpanaw ni eternal love. ang sabi sa akin ng kaibigan ko na kakilala din ni kuyang pastor, gusto daw ako kausapin ni kuya kasi alam niya na hanggang ngayon dala2 ko pa din ang burden nang pagkamatay niya, na hanggang ngayon hindi ko pa din pinapalaya ang sarili ko sa guilt. Pero nung time na lumapit sa akin si kuyang pastor, medyo pa-start na yung party kaya nagkwentuhan na lang kami tungkol sa buhay2 namin ngayon. Hindi na namin nagawang magusap tungkol sa issue ng pagpanaw ni eternal love pero nangako ako sa kanya na minsan ay magseservice ako sa church kung saan siya nagppreach. Kailangan ko din kasi cguro ng tao from their side na magpapalaya sa akin sa nararamdaman ko. Para kasing nung namatay siya, pinaguusapan namin siya pero hindi ang pagkamatay niya. Para bang palagi naming iniiwasang pagusapan ang dahilan ng pagkawala niya. Cguro nga panahon na.
Natapos ang event na okay naman. Walang awkward moments. Only moments of illustrious memories na walang sawang nagfflash sa utak ko. Sa loob ng limang taon mula ng pumanaw siya, palagi akong umaattend sa mga special events ng pamilya niya. Pag anniversary namin kasama ko ang mama't papa niya pati ang pinsan niya, tita niya, at lola niya na nagcecelebrate nun. Pag birthday ko nagcecelebrate din ako na kasama ko sila. Palagi lang siya ang kulang. Pero ngayon ko naramdaman ang oddity ng pagattend ng family affairs nila na wala na siya dun para samahan ako. Sa totoo lang, natutuwa ako kasi iba ang naging relasyon ko sa pamilya niya. Napanatili ko ang relasyon namin kahit na pa wala na siya. Pero ang hirap din pala sa side ko kasi at the end of the day, pag iisipin mo, nandun ako pero wala siya. Kasama ko sila at kasama nila ako pero wala siya.
May choice ako nun na putulin na ang ugnayan ko sa kanila. Cguro mas madaling mag-move on kung ganon ang nangyari. Pero hindi eh. Mas pinili kong ipagpatuloy ang koneksyon ko sa kanila. Sila na lang ang natatanging nagpapaalala sa akin na minsan sa buhay ko, nakilala ko Siya at naging parte siya ng buhay ko. At para sa kanila, ako ang nagsisilbing buhay na alaala niya sa kanila. Ako na ang anak, kapatid, pinsan, pamangkin, at tito/tita nila. Masarap na masakit. Hay bahala na nga si God. Hindi ko alam pero ang alam ko lang, mas gusto ko na ganito kesa hindi ko sila nakikita o kesa wala na akong communication sa kanila. mas okay na ako dito.
Sa tingin ko habambuhay na akong magiging parte ng buhay nila at ganon din sila sa akin. lalo na ang dami ko nang inaanak sa kanila. Bukod sa kanya, ang mga batang yon ang magsisilbing tali na nagkokonekta sa akin sa pamilya niya.
No comments:
Post a Comment