Limang taon.Marami nang nagbago. Mas ayos na ngayon. Hindi na katulad nang dati na bigla na lang umiiyak pag naalala siya. Hindi na katulad nang dati na pilit iniiwasan ang mga lugar na saksi sa mga alaala. Hindi na katulad nang dati na tinataningan ko ang buhay ko nang hanggang trenta lang. Ngayon, mas kaya ko na. Hindi na madalas ang pag-iyak. Nakakaya ko na din paunti-unting puntahan ang mga lugar na 'yon. Hindi ko na rin iniisip na mamamatay na ako pagdating ko ng trenta. Mas malayo na ang tinatanaw nang mga mata ko ngayon.
Limang taon. Mixed emotions. There was anguish. There was ultimate pain. There was bitterness. There was guilt. But there was also God, and that made a big difference. Buti na lang nung oras na malapit na akong bumigay, nahabol ako ni God at naakay Niya ako pabalik sa tamang daan. There was darkness but God led me to the path towards light.
Kala ko noon hindi ako makakatagal. Sabi din nang iba hindi daw daw nila kakayanin ang pinagdaanan ko. Pero mali kayo don. akala ninyo lang yun. ang totoo, niloloko lang kayo ng mga kanta na may lyrics na "i can't live without you." Dahil ang totoo, pipilitin mo pa ring mabuhay para sa mga taong patuloy na nagmamahal sa'yo at umaasang patuloy kang lalaban. at higit sa lahat, para sa Diyos na marami pang magandang plano para sa'yo.
Buti na lang hindi ako sumuko. Ngayon alam ko na kung bakit ako ang naiwan. alam ko na kung bakit kailangan mangyari yun. Nasagot na nang panahon ang mga tanong ko five years ago. Mahal ako ni God kaya niya hinayaan pagdaan ko yun.
Limang taon. Marami nang nagbago. Mas kaya ko na ngayong maging masaya. Mas totoo na ang mga ngiti at halakhak ko. Mas handa na akong mabuhay ng ilang taon pa nang mag-isa. Nananatiling mahal ko pa din siya, pero mas kaya ko nang palayain siya ngayon.
Mananatili ang pagmamahal ilang taon man ang lumipas. Pero mas kaya ko nang muling mabuhay ngayon.
No comments:
Post a Comment