Saturday, September 26, 2009

Isang Gabing Nakapiling Kang Muli

Nakita kita ulit kagabi.

Naka-puti kang polo. Nagkalaman ka na din.

Nakangiti ka sa akin. Maya-maya, hinalikan mo ako at hinapit palapit sa'yo.

Magulo ang eksena. Bigla na lang, naglalakad na daw tayo.

Sinabihan mo ako na tumataba ako. Naghabulan tayo na parang batang nagaasaran.

Tumunog ang celfone ko. Alas-siyete na pala.

Pero ayoko pang tumayo. Gusto ko pang damhin ang pagkikita natin muli.

Pumikit ulit ako. Maya-maya lang, para na naman akong dinuyan palayo sa realidad.

Nagpakita ka muli. Nakaputi ka pa ring polo.

Nakaupo na daw tayo nang magkatabi. Nagbabasa ka ng libro.

Tinitigan lang kita nang matagal. Maya-maya, niyakap kita ng mahigpit na mahigpit.

"Miss na miss na kita!"

Yan lang ang tangi kong nasabi.

Hanggang sa muli ka na namang nawala sa paningin ko.

At ako'y naiwan na namang umaasa na makita kang muli.

***peppermint 09262009***

Friday, September 18, 2009

ANg Superman ng Buhay ko. The Alpha and the Omega of my World.

Kala q kahapon, mawawalan na aq ng tatay. Bandang alas-kwatro y medya nang may tumawg sa fone q. si Khat2, pinsan q. Hindi daw makahinga si papa. nagiisa lang siya sa bahay kasi si mama bumili ng gamot. sa lahat naman ng pagkakataon, ngayon pa niya nakalimutan iwanan yung susi ng bahay kila Tita. Walang susi. Tumwag si Papa kay Tito Vhal, nde na daw siya makahinga. Sugod sila Tita Libay sa bahay. Praning na. Aligaga. Walang susi. Hindi alam kung paano papasok sa bahay namin. Tawag ako kila Mama. Hindi sinasagot ang telepono. Napipika na aq. Tawag ulit. wala pa din. Gusto ko na tlagang magwala. Natataranta ako kasi wala akong magawa kundi magtawag ng tulong. Nasa opisina ako at isa't kalahating oras ang layo ko sa bahay namin. Tawag ako kay Khat2. Nabuksan na daw ang pinto. Umiiyak na siya. Namumutla na daw si Papa. Tumitirik na daw ang mata. Nagbbubbles na ang bibig. Nanghina na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nagdasal ako, "Lord, please wag muna." Takbo ako kay Ms Charisse. Nagpaalam pero hindi makapagsalita nang maayos. Pumayag siya. Hangos ako papunta sa table ko. Kinuha ang cellphone, ang bag, nagpalit ng sapatos. Kumaripas ng takbo. Hindi ko na nagawang patayin ang computer ko. Pati na ang mga papel sa lamesa ko ay nakakalat na iniwan ko. Lakad ako sa Makati Avenue. Nagabang ng taxi. Wala. Puro may sakay. Traffic pa. Tumawid ako papunta sa Jupiter Street. Sakto, may bumaba ng STC Taxi. Hangos ako papunta dun. Una, ayaw pa ni Manong nang malaman sa Manila ang destinasyon ko. May susunduin daw kasi siya sa airport ng ganitong oras kaya kailangan malapit lang. Nakiusap ako, 'manong, emergency lang po please.' Naawa sa akin. Pumayag siya pero hanggang Roxas Boulevard lang. Lilipat ako ng taxi pagdating dun. Mukha siguro akong tuliro talaga nun, inalok ako ni manong ng candy. Tinanggihan ko. Nagtanong si Manong kung ano daw ba nangyari. Nagshare ako ng konti. Nagshare din siya. Ang kaso, lalong bumigat ang nararamdaman ko. "Yung tatay ko ganyan din eh, pangalawang atake patay agad." Nagdasal na lang ako. Naalala ko yung sinabi ni Michelle sa kin nun na pag daw pinagdadasal mo ang maysakit na humaba pa ang buhay, kailangan daw idefend mo nang maayos kung bakit kailangan pa niyang mabuhay. "Lord, hindi pa completely save si Papa. Alam ko Lord hindi mo nais na mawala siya sa mundong 'to na hindi ikaw ang pupuntahan niya. Lord, promise ko sa'yo, one last chance and I will definitely share your good words to him na. Lord, wag mo namanng hayaan na mawala si Papa sa'min the day pa after you got Oliver from me. Siguro hindi ko na titigilan ang pakanta ng Wake me up when September ends. Please Lord." Text ako sa mga ka-church ko sa VCF. "Please pray for my dad." Si vannah unang tinawagan ko. Text agad siya na be in faith. Lahat sila na nagreply sken sinasabi be in faith. Nilabas ko ung pocket version ko ng Bible verses for any occasion and happenings. Hanap agad ako ng tungkol sa faith. "Whatever you ask for in prayer, believe that you have received it and it will be yours." favorite ko talaga tong verse na to. Dasal ulit ako. "Lord, kina-claim ko na, magaling na si Papa. Maayos na ang kalagayan niya. Hindi ako maghohold-on sa mga sinsabi ng doktor or sa kung ano pa mang aparato ng ospital. Sa'yo lang ako maghohold-on at sa mga pangako mo, Lord. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa'yo Father God for your goodness." Traffic. Naloloka na naman ako. Kada tunog ng fone q, naaning ako. Pero sabi ko, Lord hindi ako magwoworry kasi alam ko pinagaling mo na si Papa. Lahat ng text sken puro galing lang sa mga tinext ko na hiningan ko ng prayer. Walang galing kay Mama or kay Shyn or kung sino man sa bahay na pedeng magbalita na wala na nga si Papa. Magaala-sais, wala pa din. Nagpapababa na aq kay Manong sa Quirino Station ng LRT. Magl-LRT na ako para mabilis. Sa LRT, wala pa ring text. Medyo nakampante na ako ng konti. Sabi ko kung may nangyaring masama, magttext at magttext agad sila. Dasal lang ako ng dasal. Nagpapasalamat na agad ako kay God. Pagdating sa Metropolitan Hospital, diretso ako sa EMergency. ayun na, nakita ko si papa, kung ano-ano nakakabit sa katawan niya na aparato. Mejo nagalit pa ako kila Mama kasi iniwan nila si Papa sa bahay mag-isa pero hindi ko na pinalala ang inis ko kasi hindi oras nang sisihan ng time na yun. Nalaman ko, kung nahuli lang sila ng ilang minuto, malamang wala na akong tatay ngayon. Nanghihingalo na daw talaga siya. Nang tinawag lang siya ni Tito Cards at may nagbukas ng ilaw, para siyang naalimpungatan at nabalik sa huwisyo. Pero nang dinala siya sa ospital, habang nasa kotse, putlang-putla na daw talaga siya. Wala nang puti ang mata. Pati batok maputla na. Nakikipagaway na nga ang pinsan kong nagmamaneho ng kotse dahil sa sobrang pagmamadali niya. Labinglimang tao ang tumulong para maibaba si Papa mula sa bahay namin. Taas-baba ang BP ni papa. Ang tagal bago siya nadala sa ICU kasi hindi magstabilize ang system niya. Pray pa din ako. Basa ako ng Bible, Hebrews. Kumukuha ako ng lakas sa mga words ni God dun. Kakatuwa. Nakakalma ako talaga nung binabasa ko ung mga nakasulat dun.Nang medyo nakalma na, umuwi kami ni shyn kasi tinignan namin ang bahay. Meron daw kasi silang binaklas dun para lang makapasok kanina. Paguwi sa bahay, nagulat kami. Parang minasaker ang bahay. May dugo-dugo pa sa lapag. Sira ang electric fan. Gulo-gulo talaga. Nakakakilabot talaga.

Pagbalik namin sa ospital, medyo umaayos na daw si Papa. Hindi pala niya kami kilala kanina. Hindi din niya matandaan ang nangyari sa kanya kanina. Hindi siya makapagsalita kaya sinusulat na lang niya sa papel ang gusto niyang sabihin. "What happened to me?" Inglisero pa. "Sino-sino bumuhat sa kin?" May balak kasi siyang mag-pasalamat paglabas niya. Lumapit kami ni SHyn. Naglayhands kami. Nagpray kami ulit for Papa. Ilang oras pa ang lumipas bago siya nilipat ng ICU. Pagdating sa ICU, kinausap na naman namin si God. Kaming tatlo nila Mama, shyn, ako. Nagpasalamat kami dahil kahit papano, umokey na si Papa.

Ngayon, mas okay na siya. Tinanggal na ang respirator na kinabit sa kanya. Nandun siya ngayon sa loob ng ICU, natutulog. Kami, nandito sa labas, sa relative's lounge. Tinitingnan lang namin siya through the window. Nakakapginternet ako ngayon dahil may nasagap na signal ang laptop ko. Kaya eto ako ngayon, nagshashare.

Nakakatuwa, hindi na naman kami pinabayaan ni God. Nandun na naman agad siya para irescue si Papa. Iba tlaga si Lord. Nahihiya na nga ako kasi sobrang dami niyang blessings sa akin pero hindi naman ako worthy for these blessings. Bilang Kristyano, ang dami ko pa ding kasalanan sa Kanya. Palagi ko pa rin Siyang nasasaktan. Pero palagi niyang pinapatunayan ang pagmamahal Niya sa akin. Imagine mo yun, muntik na talagang mamatay ang Papa ko. Konting-kont na lang magkaka-lamayan na naman sa'min. Pero niligtas ni God si Papa. Hinayaan Niya na mabuksan ang pintuan at maagapan si Papa. Ang nakakatuwa pa, meron pa pala siyang medical insurance. Akala ko kasi nun since na-max out na niya yung health card niya sa Medserv, wala na siyang makukuha sa bagong health card namin sa office kahit pa dependent ko siya kasi ang alam ko, maccarry over lang ang benefits ng Medserv sa bagong card. Hindi pala. Pagtawag ko sa Intellicare, sinabi nila agad na active pa ang account ni Papa at pede pa siyang gamitin. Di ba naman? Sobrang blessing na talaga from the Lord. Hanggang ngayon nga hindi talaga ako magkamayaw sa pasasalamat kay God. Kaya ko 'to si-ne-share kasi gusto kong malaman ninyo na si God, hindi talaga tayo pinababayaan. Palagi lang siyang nandiyan, naghihintay nang tawag natin. Kung sakali man na si Papa namatay talaga kahapon, masakit oo, pero hindi ako magtatampo kay God. alam ko may dahilan ang lahat nang bagay na nangyayari sa buhay natin. God is never after our pain. He always aim for the best for us.

The best talaga si Lord. Wala na akong masabi pa. Kung wala Siya, hindi ko na alam kung saan pa ako ngayon. Paano na lang tayo kung wala si God sa buhay natin?

Thank you Lord! Ilove you Father God!

Tuesday, September 15, 2009

There was darkness...and then there was God.

Limang taon.Marami nang nagbago. Mas ayos na ngayon. Hindi na katulad nang dati na bigla na lang umiiyak pag naalala siya. Hindi na katulad nang dati na pilit iniiwasan ang mga lugar na saksi sa mga alaala. Hindi na katulad nang dati na tinataningan ko ang buhay ko nang hanggang trenta lang. Ngayon, mas kaya ko na. Hindi na madalas ang pag-iyak. Nakakaya ko na din paunti-unting puntahan ang mga lugar na 'yon. Hindi ko na rin iniisip na mamamatay na ako pagdating ko ng trenta. Mas malayo na ang tinatanaw nang mga mata ko ngayon.

Limang taon. Mixed emotions. There was anguish. There was ultimate pain. There was bitterness. There was guilt. But there was also God, and that made a big difference. Buti na lang nung oras na malapit na akong bumigay, nahabol ako ni God at naakay Niya ako pabalik sa tamang daan. There was darkness but God led me to the path towards light.

Kala ko noon hindi ako makakatagal. Sabi din nang iba hindi daw daw nila kakayanin ang pinagdaanan ko. Pero mali kayo don. akala ninyo lang yun. ang totoo, niloloko lang kayo ng mga kanta na may lyrics na "i can't live without you." Dahil ang totoo, pipilitin mo pa ring mabuhay para sa mga taong patuloy na nagmamahal sa'yo at umaasang patuloy kang lalaban. at higit sa lahat, para sa Diyos na marami pang magandang plano para sa'yo.

Buti na lang hindi ako sumuko. Ngayon alam ko na kung bakit ako ang naiwan. alam ko na kung bakit kailangan mangyari yun. Nasagot na nang panahon ang mga tanong ko five years ago. Mahal ako ni God kaya niya hinayaan pagdaan ko yun.

Limang taon. Marami nang nagbago. Mas kaya ko na ngayong maging masaya. Mas totoo na ang mga ngiti at halakhak ko. Mas handa na akong mabuhay ng ilang taon pa nang mag-isa. Nananatiling mahal ko pa din siya, pero mas kaya ko nang palayain siya ngayon.

Mananatili ang pagmamahal ilang taon man ang lumipas. Pero mas kaya ko nang muling mabuhay ngayon.

Monday, September 14, 2009

We Speak to Nations- Lakewood Church





Hear the sound
The sound of the nations calling
Hear the sound
The sound of the fatherless crying
Who will go for us?
Who will shout to the corners of the Earth?
That Christ is King?

Hear the sound
The sound of the nations calling
Hear the sound
The sound of the fatherless crying
Who will go for us?
Who will shout to the corners of the Earth?
That Christ is King?

We speak to nations, be open
We speak to nations, fall on your knees.
We speak to nations
The Kingdom is coming near to you (Wooh-ooh-wooh)
We speak to strongholds, be broken
Powers of darkness, you have to flee
We speak to nations
The Kingdom is coming near to you
We speak to you
Be free (yeah yeah)
Be free

Hear the sound
The sound of the nations worshipping
Hear the sound
The sound of the sons and daughters singing
We will go for you
We will shout to the corners of the earth
That Christ is King (wooh-ooh-wooh)

We speak to nations, be open
We speak to nations, fall on your knees.
We speak to nations
The Kingdom is coming near to you (Wooh-ooh-wooh)
We speak to strongholds, be broken
Powers of darkness, you have to flee
We speak to nations
The Kingdom is coming near to you
We speak to you
Be free (yeah yeah)
Be free



I was soo blessed with this song. I even cried during our 3pm service at VCF Malate yesterday because of this...I love God!

Sunday, September 6, 2009

Usapang Bata 2

One Saturday afternoon, after kumain ng chicken joy at spaghetti sa Jollibee Greenhills. I was with my little cousins chloe (6 yo) and JM (5 yo). Palabas na kami ng Jollibee nang...

JM: Bye Kuya! (to the Jollibee crew)
Apple: Hala! bading ka tlga! Bumabbye kuya ka pa ahh! Lagot ka sa papa mo!
Chloe: Bye kuya ka jan ha, mamaya magh-HI Kuya ka naman!

***Naman! wag sana matuluyan ang pinsan q! waaahhhh!